Sampung Dipang Tao

Una:                    Ikaw

Hindi ko talaga alam kung bakit ang dami kong nagagawang sabihin at aminin sa ‘yo kumpara sa mga itinuturi kong mga malalapit na kaibigan. Ano bang meron sa ‘yo at nagiging spontaneous ako pagdating sa mga kwentong buhay na yan? Gayunpaman, salamat. Wala mang kasiguraduhan na buong puso mong binabasa ang mga entries ko, sapat na ang pagfollow mo sa akin:)

Pangalawa:         Sa hindi ko kilala

Alam kong andiyan ka lang. Sa tabi-tabi. Sa araw-araw na paglalakad ko sa kalye ng Divisoria. Sa bawat jeep na sinasakyan ko pauwi. Alam kong andiyan ka lang. Kaso hindi ko alam kung alam mo ring nandito lang ako kahit hindi kita kilala.

Pangatlo:             Sinong Sikat

Ichigo Kurosaki. Kenshin Himura. Tamahome. Enchong Dee. John Lloyd Cruz. Jang Geun Suk. Kayo ang mga bituing hindi ko alam kung maaabot ko pa. Andiyan kayo at natatanaw ko. Sapat na yon sa akin. Wala na kong ibang hahanapin at gugustuhin pa.

Pang-apat:          Sila

Sila na wala ng ibang ginawa kundi ang paniwalaan na sila na ang mga pinakadakilang nilalang sa balat ng lupa. Lagi na lang para sa kanila, sila ang tama. Mga diyosa kung ituring ang mga sarili. Sino ba sila? Sino nga ba sila? Wala na silang ibang hatid kundi peer pressure. Gusto lagi sila ang IN. Kung wala kang balak mag-give in sa kanila, magdusa ka. Ni minsan, hindi naging masaya ang lakad dahil gusto sila lagi ang masusunod. Ni minsan ba, natuto silang makinig? Feeling ko, never. Pinanganak silang puro mata at bibig at walang tenga. Bahala na sila sa buhay nila. Ayoko na.

Panglima:            Kahit hindi siya

Minsan mong pinaramdam sa akin na masarap ang ganitong pakiramdam. Magaan. Masaya. Minsan mong ipinaranas sa akin na hindi masama ang makaramdam ng ganito, na natural lang ito pagkat ako din ay tao. Ngunit hindi ko akalain na ikaw rin mismo ang wawasak sa lahat ng mga bagay na inakala kong habambuhay na magiging maganda. Iniwan mo kong sirang sira. Yung tipong kulang na lang ay pulutin na sa may piitan ng Payatas. Hindi ko na itatanong kung ano ang dahilan ng lahat ng yon. Ang masasabi ko na lang, totoo naman akong naging masaya, kahit siya, hindi.

Pang-anim:         Kung Sino Ka Man

Marami sana akong gusto. Gusto kong may masasandalan sa tuwing bumibigat na ang dala ng puso’t isipan ko. Gusto ko ng may makakawentuhan kahit wala namang kwenta ang madalas kong ikwento. Gusto kong may makakasama ako sa tuwing inaandar ako ng kung anuman at gusto kong uminom ng kape sa hapong mainit sa isang malamig na lugar. Gusto ko na may makikinig sa mga ma-ala-sirang plaka kong LSS. Pero. PERO. Gusto ko na ako ang mag-aalaga sa yo kapag may sakit ka. Gusto ko ako ang una mong tatakbuhan sa tuwing may problema ka. Gusto ko na ilibre ka ng chocolate cake paminsan-minsan lalo na kapag wala ka sa mood. Gusto kong tumawa nang malakas sa mga jokes mong walang kasing corny. Gusto ko na isa ako sa mga letrato na laman ng wallet mo. Gusto kong punasan ang pawis mo sa tuwing break time nyo sa paglalaro ng basketball. Gusto ko na ako ang katabi mo sa mga sandaling ayaw mo ng kausap pero gusto mo ng kasama. Gusto kong gawin ang lahat ng ito sa iyo. Kung sino ka man na darating pa lang sa buhay ko. Sana. SANA. Dumating ka na.

Pangpito:  Mga Adik na NSEWM

Mayroon tayong kanya-kanyang kina-aadikan—mapa-Peace Advocacy, Social Action, o Student Services—hindi natin pinapalampas. Mga paki- alamera kasi tayo. Laging may common ground. Hindi ko alam kung sapilitan, nadala lang, o kusang-loob. Pero masasabi kong kahit papano, naging partners in crime ko kayo. Hindi niyo lang alam, at ayaw ko na ring ipaalam, na mis na mis na mis ko na kayo. Hindi na tayo nakakapagkwentuhan tulad ng dati. Kung mag-usap man tayo, laging trabaho ang laman ng conversation. Kung magbonding man tayo sa McDo, laging lunch meeting. Kung tumambay man tayo sa kiosk, laging meeting, planning, meeting, planning. Hindi na natin napapakinggan ang mga kwentong panaginip ni N, hindi na natin nakwekwento ang latest love life ni S, hindi na natin napapag-usapan ang pagiging NBSB ko na si E, hindi na natin napapagtuunan ng pansin ang maraming manliligaw ni W, at hindi na rin natin nababanggit ang naging unang relasyon ni M. Hindi niyo lang alam, pakiramdam ko, you, us,we, don’t exist anymore.

Pangwalo:           KaBerks

Kayo ang mga nilalang na tunay kong namimis, at gusto kong malaman ninyo yon. Sa inyo man nanggaling ang ilan sa mga matitinding pagsubok na naranasan ko sa buhay ko, masasabi ko naman na kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magiging ganito ngayon. Gusto ko kung sino ako ngayon at ipinagpapasalamat ko ito sa inyo. Wala kayong pakialam kung anumang daan ang nais kong tahakin. Ang sa inyo lang, maging masaya ako. Ang tawag sa inyo kasama, karamay, at kaibigang tunay. Nais ko kayong makasamang muli. Kahit na pagkalipas ng apat na taon siguradong nagbago na tayo, alam kong kayo pa rin ang mga kaberks ko na mananatiling mayroong espesyal na lugar sa puso ko.

Pangsiyam:         Nasa tabi ko

Mahal ko kayo. Mahal ko kayong mga laging nasa tabi ko, literal and figurative. Hindi ko malaman kung anong posibleng dahilan kung bakit pagdating sa inyo, hindi ako expressive. Masasabi ko ngang tunay na mahalaga sa akin ang isang tao kung hindi ako expressive sa kanya. Kaya hindi ko man madalas sabihin, gusto kong itanim ninyo sa inyong kalooblooban na mahal na mahal ko kayo hindi lang dahil kagudo ko kayo at isa yun sa mga 10 commandments ni God, kundi dahil mahal ko talaga kayo. Hindi na kailangan pa ng kung ano pang dahilan. Salamat dahil lagi kayong andiyan sa tabi ko.

Pangsampu:       Tala Ko

Alam kong andiyan ka lang sa itaas. Maraming beses man kitang hindi natingnan o hindi nakikita, kampante ako na lagi ka lang andiyan— nakikipagtaguan sa ulap, nakikipagtagisan sa buwan, nakikipaglaro sa kapwa maniningning na bituin. Huwag mo akong iwan. Dahil sa lahat ng sampung dipang tao sa buhay ko, ikaw ang mas kailangan ko na lagi kong sinasandalan. Maraming, maraming salamat at nandiyan ka pa rin para sa akin, tala ko.

Advertisements

One thought on “Sampung Dipang Tao

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s