Isang Taong Mahalaga

Originally written on October 2002, entry for the Division Schools Press Conference (DSPC), First place for the Filipino Feature Writing Category.

Marahil ay marami tayong hinahangaang tao tulad ni Lea Salonga na pambato ng Pilipinas pagdating sa theatre arts at pagkanta. Si Regine Velasquez na tinaguriang Asia’s Song Bird, mas magaling pa siyang kumanta keysa kay Tweety Bird. Maari rin ang ating Concert King na si Martin Nievera na hindi lang maganda ang boses kundi pati na rin ang kanyang mga mapagdamdaming awitin. O hindi naman kaya ay si Sharon Cuneta, maganda na, sikay pa!

Pwede rin an gating kampyon sa pangangabayo na si Mikee Cojuangco-Jaworski na ‘di lamang pang-isports kundi pang-pamilya pa. Alam niyo ba na kaya niyang hatiin ang kanyang katawan…ah este oras pala dahil kahit na siya ay mayroong ina-alagaang pamilya, may inaalagaan din siyang ibang pamilya…ang mga kabayo!

Ngunit isang tao lang ang talagang hinahangaan ko. Hindi man siya pang-showbiz personality, ‘di man siya kilala sa buong mundo tulad ni Harry Potter, ngunit siya’y hinahangaan ko. Ang taong ito ay walang iba kundi ang aking ina. Bukod sa mabait at masipag, siya’y maganda rin at matalino. Para sa akin, nasa kanya na ang mga katangiang dapat na hangaan, kahit hindi man siya isang Star for all Seasons tulad ni Vilma Santos!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s