Sa Pagpapatuloy ng Pagdaloy

Originally written on October 2006 as an editorial for the BERXILOG Magazine, a project for the Filipino subject.

Ang ilog ay isang katangi-tanging bahagi ng tubig sapagkat maaari nitong ipahiwatig ang napakaraming bagay. Sa pagkakataong ito, inihalubilo naming ang ilog sa pag-aaral. Para sa amin, ang pag-aaral ay may simula ngunit walang katapusan.

Nagsisimula ang paloy ng tubig sa mga malabundukin at matataas na lugar. Mababaw at malumanay ang agos ng tubig nito. Tulad ng isang batang nagsisimula pa lamang mag-aral sa pag-aaral sa kindergarten—ignorante pa’t kailangang dahan-dahanin. Susunod ay ang pagbasak nito bilang isang talon na iniuugnay naman sa elementarya—biglaan ang epekto, malakas ang dating, at kakaiba ang hatid.

At aasahan ang isang hindi pangkaraniwang daloy ng tubig. Marami itong makakasalubong na batong magpapahirap ng agos nito. Ang daloy ay maaaring mabilis at mahina. May mga magaganda at mga hindi kanais-nais na tanawing madadaanan. Maikukumpara ito sa buhay ng isang mag-aaral sa hayskul. Ang buhay hayskul ay ika nga ang pinakamagandang parte ng buhay ng isangestudyante. Dito mararanasan at makakaharap ang mga iba’t ibang daloy ng tubig, ang mga malalaking bato, at ang mga hindi pangkaraniwang itsura ng kapaligiran.

Matapos dito ay unti-unti nang dadaloy ang tubig sa mas malaking bahagi. At ito ay ang kolehiyo. Isang bahagi ng ilog ay ang preparasyon patungo sa tunay na mundo ng pag-aaral—ang kolehiyo—kung saan ang mga estudyante na mismo ang pipili ng direksyong tatahakin ng agos ng tubig.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat. Nariyan pa ang karagatan. Ito’y malawak at tila hindi mo malaman ang hangganan. Huwag din nating kalimutan na ang tubig ay patuloy sa pagdaloy at umiikot lamang sa mundong ito. Kaya matapos ang karagatan ay babalik itong muli sa mga malabundukin at matataas na lugar.

Bawat yugto, tayo’y magtatapos. Ngunit sa bawat yugto rin ay may kasunod na hindi natin maaaring tuldukan. Patuloy ang pagdaloy ng tubig at patuloy din tayong makararanas ng iba’t ibang agos nito, makababangga ng mga nagsisilakihang bato, at makatatanaw ng mga kakaibang tanawin. At hangga’t patuloy ang pag-agos ng tubig, patuloy din tayong makararanas. At hangga’t patuloy tayong nakararanas, patuloy din tayong mag-aaral sapagkat ang karansan ay ang pinakamabisang guro sa buhay ng isang estudyante.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s