Ang pagiging mataba. Bow.

Ang pagiging mataba ay parang sakit sa ngipin—apektado ang lahat, maging ang paghinga mo, ang pagtulog mo sa gabi, ang paglandi mo sa officemate mong babaero, ang pagshopping mo ng pang-christmas party, ang muling pagkikita ninyo ng mean girl sa school nung bata ka pa, ang pagsinghot mo ng durian na pasalubong ng boss mo galing Davao. Lahat, pare, lahat. Lahat apektado. Sabi nga nila, sumakit na lahat huwag lang ngipin. Sabi ko naman, tumaas man ang presyo ng lahat ng bilihin, huwag lang sana yang timbang mo.

Apektado maging ang pagtulog mo

Wala ka namang inaway, ninakawan, o pinatay, pero hirap kang makatulog sa gabi. Mabait ka naman sa mata ng maraming tao, pero bakit hindi mo magawang ipikit ang mga mata mo sa oras na dapat mo itong ipikit? At hindi sa mga panahong papalapit na ang multo sa bida, susugod na, ayan na, ayan na, exciting na… pero hindi mo makita dahil ayaw mong tingnan.

Hindi ka makatulog dahil pa-ulit-ulit na parang sirang plakang naglalaro sa isipan mo ang mga pangungutya ng ibang tao at maging ng mga taong hindi naman iba para sa iyo. Pa-ulit-ulit. Pabalik-balik. Ang taba mo na talaga. Ramdam mo ba?

Apektado maging ang pag-iisip mo

Gusto mo nang mabaliw. Hindi dahil sa itinakwil ka ng pamilya mo. Hindi rin dahil sa iniwan ka ng taong mahal mo. Hindi rin naman dahil sa tinanggal ka sa trabaho mo. Kung hindi dahil ang taba-taba mo na talaga. Hindi na magkasya ang paborito mong pantalon. Kung masuot mo man, masikip naman. Hindi mo na magamit ang regalo sa iyong blouse ng best friend mo dahil sa laki ng braso mo. Isang kamay na lang ang pwedeng ipasok. Hindi mo na mairarampa ang mamahalin mong sapatos dahil  sirang sira na ang heels. Hindi dahil sa hindi siya matibay, branded pa man din. Kung hindi dahil sa bigat ng timbang mo, hindi ka na niya kaya pang kargahin.

Apektado ang buong buhay mo

Love life lang ang nasira, buong aspeto ng buhay at pagkatao mo na ang unti-unti mong winawasak. Masyadong mababa na ang tingin mo sa sarili. Pakiramdam mo bawat tao sa paligid mo, wala ng ibang ginawa kung hindi ang kutyain ka. Hindi mo na naipapamalas ang bagay kung saan ka magaling dahil ayaw mong mabahiran ito ng kirot at hinagpis, hanggang sa tuluyan mo na itong kinalimutan at tuluyan na rin itong… naglaho. Isinawalang-bahala mo na ang iyong paninindigan at panalangin. Hindi dahil sa Siya ang sinisisi mo, kung hindi dahil takot ka ng harapin pa siya.

Love life lang ang nasira, buong aspeto ng buhay at pagkatao mo na ang unti-unti mong winawasak. Nasa kamalayan mo man ito o hindi. Sinasadya mo man ito o hindi. Na-andyan na yan. Hindi mo na magawa pang ibalik ang oras at bawiin ang lahat ng paghihirap na ipinaranas mo sa iyong sarili. Love life lang ang nasira, pati kinabukasan mo, idinamay mo na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s