Ang Talagang Ako

Originally written on August 30, 2010; posted at www.dawnandpeace.tumblr.com.

1. A-D-I-K ako sa Anime. Gusto ko magcosplay someday. At ako ay magiging si Rukia Kuchiki, ang parating nandiyan para kay Ichigo Kurosaki.

2. Nahuhumaling ako sa Anime na Bleach. Kahit hindi na ako nakakasubaybay sa series, alam ng puso’t isipan ko na Bleach-babe pa rin ako. Hindi na yun kukupas forevermore.

3. Hindi lang ako Bleach-babe. Candy-girl din ako. Laking Candy Magazine girl. Bente na ako pero hindi ko pa rin magawang bumili ng Cosmo.

4. Pero gusto ko ang issue ng Cosmopolitan kung saan si Bea Alonzo ang cover. Gustong gusto ko ang love team nila ni John Lloyd. I will forever be a Bea-John Lloyd fan.

5. Nanghihinayang man ako na hindi si John Lloyd ang ka-love team ngayon ni Bea sa Magkaribal, gustong gusto ko naman ang role ni Bea bilang si Gelai Agustin. Pati outfit niya hindi ko mapigilang gayahin. Hindi ko nga ata namamalayan na fashion icon ko ang halos lahat ng role ni Bea simula pa noong siya ay si Cielo sa It Might Be You, bandana ang gamit sa pony tail.

6. Wavy ang buhok ko at madalas ko siyang ipony-tale. At nagpalagay ako ng bangs lately dahil sa impluwensya ng mga Koreanovela.

7. Kung may synonym ang ADIK, ako na yun. ADIK ako sa mga Korean drama at movies ngayon na hindi naman ako ganun dati. At SUPER CRUSH ko si Jang Geun Suk. Super. Crush. I love his smile.

8. Para sa mga guys, oo. Mag-smile ka lang, candidate ka na. Marami kasi akong nakikita sa mga ngiti ng tao na maaaring hindi nakikita ng iba. A simple smile says a lot about that person aside from the positive vibration it brings to other people.

9. Hindi ko alam if I am destined to fall in love and have a partner in life. Basta ang alam ko lang, right now, all I need is a FRIEND.

10. Wala nang kahit sinong makakatanggi that I am destined to be a Mass Communication student. Pero kung saan ako magspespecialize, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam. Hindi. Ko pa rin. Alam. Naku. Pitong buwan na lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s