Tumatakbo

tumblr_mshtedneGC1qcedazo1_1280

Ganito nagtapos ang lahat. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto papasok sa mundo niya. Tila ba may takot pa ring takasan ang nakaraan, masaktan, iwanan. Pero dahil ngayon ako’y kanyang pinagkatiwalaan, tumango siya’t ako’y pinagsabihan, “Sige, tuloy ka.” Tahimik ang kwarto, maayos, tila lahat ay nasa kani-kanilang nararapat na pwesto, bawat gamit, bawat bagay, nasa lugar. Walang bahid ng pagmamadali, parang lahat ay naisayos ng ilang matagal na kahapon. Kanyang kama, mesa’t upuan, kanyang damit, sapatos at palikuran. At. Doon ko nakita, napansin, isang pader puno ng letrato, guhit ng ilang nakaraan. Babaeng nakangiti, nakasilip, nakatango sa kawalan. Babaeng may matang nagniningning. Babaeng lumuluha, naghahanap ng mahahagkan. At. Doon ko naramdaman, mahigpit niyang yakap sabay pagbulong, “Ikaw ang nakikita ko sa bawat pagmulat ng mata, sa bawat lingon, sa bawat pangungulila. Ikaw oo ikaw. Ikaw lang at wala ng iba.” At. Doon ko siya hinagkan, na parang sa wakas, nakita ko na ang matagal kong hinahanap. Na sa wakas, nakita na namin ang isa’t isa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s